Sen Go humirit ng suporta para sa mga atletang Pinoy

Hinikayat ni Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang lahat na suportahan ang mga atletang Pinoy sa halip na magsisihan sa paggasta para tustusan ang nalalapit na 30th Asian Games 2019 na gaganapin sa bansa.

Ayon nitong Linggo sa Chairman ng Senate Committee on Sports, higit na kailangan ngayon ng mga manlalarong Pilipino ang moral support para makasungkit ng maraming medalya kaysa magturuan at magsisihan na nakaka-demoralize sa kanila.

Pinangako ng mambabatas na iimbestigahan niya ang mga alingasngas tungkol sa magarbong paggasta sa pagkatapos maidaos ang 11-nation, 12-day sportsfest na papailanlang sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

“Kahit na piso lang ang nawala diyan sa pondo ay iimbestigahan ko, dahil iyan ay pera ng taongbayan,” hirit pa ni Go.

Sa ngayon, anang Senador mula sa Davao City, kailangan ng mga Pilipino na magkaisa at ipakita ang mainit sa suporta sa ating mga atleta.

Pinanapos ni Go na kung may mapatunayan na nagbulsa ng pondo, paparusahan ito at walang exceptions.