Sen Go tumutupad sa pangako

Inihayag ni Sen. Bong Go na walang kinalaman sa politika ang patuloy niyang pagtulong sa mga nangangailangan, partilular sa mga nasunugan at biktima ng iba’t ibang kalamidad na dumara­ting sa bansa.

Sinabi ni Sen. Go, tinutupad lamang niya ang kanyang mga pangako noong kampanya.

“Ipinangako ko po sa mga nagtiwala sa akin na dadalawin ko sila at ­tutulungan sa oras ng pangangailangan na ­aking lamang tinupupad sa ngayon,” ani Sen. Go.

Aniya, ngayong Senador na siya ay lalo pa niyang ilalapit sa masa ang ano mang tulong na kanyang maaaring magawa.

Nilinaw din ni Sen. Go na nagbibiro lang ang Pangulong Rodrigo Duterte noong sabihin sa isang pagtitipon na may ambisyon siyang maging Presidente.
“Tama na po sa akin itong pagiging ­Senador, gusto ko lang talagang tumulong, wala na pong iba,” paglilinaw pa ni Sen. Go.

Aniya, nagpapasa­lamat siya sa poong maykapal at inabot niya ang pagiging Senador sa kabila na siya ay isang probinsyano lamang.