Nangyayari na ang pinangangambahan ni Senador Alan Peter Cayetano na pagharang sa mga isinusulong na reporma ni Pangulong Rodrigo Duterte partikular sa laban sa iligal na droga.

Unang-una sa pilian pa lamang ng speakership ay namayani ang kapartido ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PDP-Laban na si Senador Koko Pimentel kaya ito ang nanalong Senate President.

Alam nating lahat ang nangyari kung bakit nakuha ni Pimentel ang liderato ng Senado at ito ay sa pamamagitan ng pagkuha ng mga kakampi mula sa kalabang partido ni Pangulong Duterte.

Pinangakuang lahat ng naluklok na Senate President ang mga na­ging kakamping senador na karamihan ay mula sa Liberal Party (LP) ng chairmanship ng komite at kabilang dito si Senador Leila de Lima na siya ngayong nag-iimbestiga sa extrajudicial killings (EJK).

Sa pag-iimbestiga sa EJK na ang sinasabing puntirya ay ang walang puknat na patayang nangyayari dahil sa iligal na droga.

Pero sa takbo ng imbes­tigasyon ng Senado ay pagwasak kay Pangulong Duterte ang pinatunguhan.

Kaya labis ang aking panghihinayang sa mga nangyayari dahil sa halip na makatuon ang gobyernong Duterte sa mga pagbabagong isusulong ay nababagalan.

Kaya kung pagtutugma-tugmain natin ang mga kontrobersiyang kumukulapol ngayon kay Pa­ngulong Duterte ay luma­labas na walang pakialam si Sen. Pimentel sa kung anuman ang kahihinatnan ng gobyernong Duterte.

Kung nag-usap lamang sana nang maayos sina Sen. Alan at Sen. Koko at hindi pinag-agawan ang pamumuno ng Senado ay walang sakit ng ulo ang gobyernong Duterte sa mga repormang nais ipatupad lalo na ang kampanya kontra iligal na droga at sa mga nangyayaring krimen sa bansa.

Naging maginoo na nga rin si Pangulong Duterte dahil hindi siya nanghimasok sa isyu ng pagpili ng pinuno ng Senado pero sa takbo ng pangyayari tiyak akong abut-abot ang pagsisisi ng Pangulo kung bakit hindi siya nakialam sa pagpili dahil sa halip na makatutok sila sa paglilinis ng gobyerno mula sa kamay ng sindikato ng iligal na droga at masasamang elemento ay nauubos sa pagpapaliwanag ang kanilang oras, lalo na ni PNP Chief Ronald dela Rosa sa mga bagay na sa simula’t simula naman ay hindi napatunayan.

7 Responses

  1. 1.bilibib na aksyunan agad-
    2.wala ng Laglag bala sa Airport
    3. 911
    4.Distress OFW sa saudi na pauwi may allowance pa.

    itong mga marka Dilaw nagawa nyo ba yan… sa Termino nyo… kakahiya kayu!!!1

  2. Para sa pag babago- ang problema sa nyo hindi kayu nag papa displina… sarili nyo lng inisip mo…. ni lilinis na nga… maka markang dilaw talaga kayu…laki na gastos nyo.. talo pa kayu…

  3. Paano kung puro kaalyado ng presidente nakapwesto sa Senado at Kongreso , di na malalaman ng taong bayan mga mali nilang ginagawa kasi pgtatakpan na lang. Yan gusto ni Cayetano kontrolado lahat. gahaman sa pwesto!!!!

    1. hindi nman masama ang hangarin ng pangulo nililinis niya ang mga kriminal at ilegal na droga para protektahan ang mamamayan kaya walang dapat pagtakpon dahil di nman din yan magnanakaw at kung labag na sa batas ang ginagawa ng pangulo alam ko hindi yan kukunsintihin ni Cayetano dahil si Cayetano ay mayroon sariling prinsipyo