Hindi pinalagan ng Senado ang pagpatay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nabuong climate change agreement sa Paris, France noong nakaraang taon.

Katwiran ni Sen. Loren Legarda, chair ng Senate committee on climate change, ang pagbasura ni Pangulong Duterte sa Paris agreement ay pasok sa tinatawag na “climate justice” kung saan dapat, aniya, na tulungan ng mga industrialized nations ang mga maliliit na bansa.

Sinabi ni Legarda na tama ang P­angulo na dapat tulungan ng mauunlad na bansa ang mga maliliit na bansa­ na naapektuhan at nagdurusa sa climate­ change sa pamamagitan ng ­tulong pinansyal o teknikal.

Aniya, hindi nagkamali ang Pangulo­ dahil ang mga industrialized nations ang nagdudulot ng mapaminsalang greenhouses gas emissions kung kaya’t tama lamang na tulungan ang mga bansang apektado tulad ng Pilipinas.

Matatandaang ibinasura ni Duterte ang Paris agreement dahil inoobliga ang Pilipinas na bababaan ang carbon emissions, na siyang nagdudulot ng matinding pinsala sa kalikasan.