Gagawin ng Senado ang lahat para maipasa ang panukalang Corporate Income Tax and Incentives Reform Act (CITIRA) bago magtapos ang sesyon sa susunod na buwan, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

“We will give it our best effort,” pahayag ni Sotto sa kanyang text message sa mga reporter.

Una rito, umapela si Finance Secretary Carlos Dominguez sa Senado para sa mabilisang pagpasa ng corporate tax reform bill na naglalayong babaan ang tax rate, palawakin ang tax base at bawasan ang tax distortion at leakages.

Sa ilalim ng panukala, na sinirtipakahan bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso, ang corporate income tax rate para sa domestic at resident foreign corporations ay babawasan sa 20% mula sa dating 90% sa 2029.

Tinatalakay na sa second reading sa Senado ang CITIRA bill.

Nang tanuning imo-modify ang panukala dahil sa kinakaharap na krisis ng bansa, sinabi ni Sotto na titingnan ito ng mga mambabatas sa period of amendments.

“We see during the period of amendments,” ani Sotto.

Nauna nang sinabi ni Senadora Pia Cayetano, chair ng Senate Ways and Means Committee, makakahikayat sa business sector na mag-invest sa mga industriyang mas kailangan ng bansa lalo na sa panahon ng COVID-19 pandemic sa oras maging batas ang CITIRA. (Dindo Matining)