Senado bibigay sa death penalty kung…

Bibigay rin ang ­Senado sa panukalang pagbabalik ng death penalty kung ililimita lamang ang kaso o krimeng masasaklaw dito.

Paniwala ito ni Senador Win Gatchalian, na isa rin sa mga nagtutulak na ilimita lamang sa ilang krimen ang saklaw ng reimposition ng death penalty.

Pangunahing tinukoy­ ng senador ang large scale drug offenses na isa sa mga dapat na saklaw ng naturang panukala.

Naniniwala ang senador na sa paglilimita lamang ng mga krimeng saklaw ng death penalty­ tulad ng large scale ­offense maaaring may pag-asang makalusot sa Senado ang death penalty.

“Limiting the scope of the new death penalty law to cover only offense­s involving large qualities of illegal drugs might be the only realistic way to get the bill through the Senate. I will support the compromise if that’s the case,” ayon kay Gatchalian­.

Sa kasalukuyan ay hati-­hati pa ang posisyon ng mga senador sa panukala.

Bukod sa large scale drug offenses, nais din ni Gatchalian na isama sa magiging saklaw sa death penalty ang kaso ng child rapists.

Ayon sa senador, ang dalawang krimen ay maituturing na isang “irre­parable damage” na kanilang ginawa sa bansa na hindi na mareremed­yuhan pa kung kaya’t dapat lamang parusang kamatayan ang katapat nilang kaparusahan.

“Child rapists and drug lords are beyond saving. They must be put to death,” giit ni Gatchalian.