Naglabu-labo ang mga senador na miyembro ng Senate committee on ethic­s kung ano ang dapat unahin sa reklamo laban kay Sen. Leila de Lima.

Umikot ang pulong ng mga senador kung ano ang dapat mauna, ang pagtalakay sa “form and substances” o ang isyu ng “jurisdiction” ng reklamo laban kay De Lima.

Para kay Senate President Pro-Tempore Franklin Drilon, ex-officio member ng ethics committee, hindi na kailangan pang talakayin ng komite ang form and substances kung wala namang jurisdiction ang komite.

Sa pananaw naman ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III, chair ng komite, malinaw na isinasaad sa rules ng komite na dapat munang talakayin ang form and substance bago ang isyu ng jurisdiction.

Nagkasundo na lang ang mga senador na isuspinde ang proceedings, dahil ayo­n kay Sen. Panfilo Lacson, wala pa siyang natatanggap na kopya ng reklamo laban kay De Lima.

Samantala, tikom muna ang bibig ni De Lima sa kinakaharap na reklamo at iginiit na ipinaubaya na lamang niya sa kanyang mga kasamahan ang anumang kalalabasan o kahihinatnan sa reklamo.