Sinuspende ng Senado ang pasok sa kanilang tanggapan, ngayong araw na ito (January 9) dahil sa traslacion ng itim na Nazareno.
Sa advisory na inilabas ni Senate Secretary, Atty. Myra Villarica, nakasaad na ito ay dahil sa inaasahang matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko at hirap sa pagbiyahe.
“In anticipation of the traffic congestion and difficulty in commuting to and from the Senate due to the yearly Traslacion of the Black Nazarene on 9 January 2019, please be advised that, as approved by the Senate President, Senate officials and employees need not report for work,” saad sa memo.
Gayunman, ang mga committee hearings, meetings at iba pang aktibidad ay nasa desisyon na ng mga committee chairman o secretariat na naka-assign dito.
Sinabi ni Villarica na aprubado ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang work suspension. Subalit ipinaalala na ang mga papasok sa trabaho bukas ay hindi maaaring mag-claim ng dagdag na kompensasyon.