Senado nangangapa kay Cesar Montano

Hanggang ngayon, nangangapa pa rin ang Senado sa katauhan ng complainant laban kay Cesar Montano, ang chief ope­rating officer ng Tourism Promotions Board (TPB).

Hindi pa mahagilap ni Sen. Nancy Binay, chair ng Senate committee on tourism, ang katauhan ng mga “anonymous complainant” kung kaya’t hindi rin maimbestiga­han ng Senate Blue Ribbon Committee ang reklamo ng corruption laban kay Montano.

Noong Marso 14, 2017 pa inihain ni Binay ang Senate Resolution No. 326 para paimbestigahan ang reklamo laban sa aktor, pero lumipas ang ilang buwan ay hindi pa umuusad ang imbestigasyon dahil nananatiling anonymous ang complainant.

“Hindi ko pa rin makita ‘yung complainant eh,” himutok ng ­senadora.

Matatandaan na nag-hain na ng reklamo ang mga hindi nagpakilalang empleyado ng TPB sa Presidential Action Center (PACE) laban kay Montano noong Marso 1.