Nagpakitang-gilas si International Master Emmanuel “Manny” Senador sa top board upang ihatid ang Team Philippines sa kampeonato sa katatapos na Wah Seong Penang Chess League 2018 Championship na ginanap sa Red Rock Hotel sa Penang, Malaysia.
Giniba ni Senador si Roy Marpaung para pangunahan ang Team Philippines sa 3.5-0.5 victory kontra sa Miracle Team Indonesia sa eight at final round.
Tumapos ang Team Philippines na may seven wins, one loss, 14 Match Points at 25.5 board points sa eight outings na ipinatupad ang 15 minutes plus 10 seconds increment time control format.
Bukod kay Senador, ang Team Philippines ay kinabibilangan din nina Arena Grandmaster (AGM) at Fide Master (FM) elect Robert Suelo Jr., Ian Cris Udani at Fide Master (FM) Nelson Villanueva.
Dahil sa tagumpay at magandang performance ay napataas ng Team Philippines ang moral ng bansa, ayon na din kay dating Polytechnic University of the Philippines top chess player Roberto Racasa na kinukunsiderang Ama ng Philippine Memory Sports. (Elech Dawa)