Nabahala na rin si Senador Bam Aquino sa cyber attacks na maaaring mangyari at kakaharapin ng bansa.
Kasunod ito sa nangyaring pag-atake ng Ransomware sa mga computer sa 150 bansa sa buong mundo.
Kaya naman naghain ng resolusyon si Aquino upang malaman kung handa ang Pilipinas sa cyber attacks.
“We want to hear from the experts from government and also from our Pinoy tech firms on whether our country is prepared for these cyber attacks and what should be done to prevent them,” ayon sa Senate Resolution No. 381 ni Aquino.
Naniniwala ang senador na tunay na banta sa mga Pinoy ang cyber attacks kung kaya’t kailangang tiyakin na protektado ang mga bank accounts, online passwords, personal information gayundin ang private at public information system.
Sa report, sinasabing ginamit sa cyber attack ang programa na “WanaCryptor 2.0 o WannaCry” upang mapasok ang hindi bababa sa 300,000 computers sa buong mundo.
Kabilang na sa mga nabiktima ay ang FedEx, National Health Service ng Britain, Interior Ministry ng Russia at ilang unibersidad sa China.