Tila nadala na si Senador Win Gatchalian sa naging karanasan nito noong isang taon makaraang mabatikos sa pagmumura sa social media.
Matatandaang bago pumasok ang 2018 ay hindi nakapagpigil si Gatchalian sa banat sa kanya ng isang kritiko sa twitter at sinagot niya ito ng “ulol at gago.”
Sa pagpasok ng 2019, isinapubliko ni Gatchalian ang kanyang New Year’s resolution number 1.
“Happy new year sa lahat! 2019 new year’s resolution #1: control sa mga iti-tweet. Relax na lang at huwag ng pansinin ang mga nang-iinis na trolls,” saad ni Gatchalian sa kanyang twitter.
Naging sunud-sunod din naman ang sagot sa twitter ng senador.
“Di trolls ang mga critic mo,” sagot ni @MaamSyj.
Sa kabilang dako, ilang supporter naman ni Gatchalian ang nagpahayag din ng pagsuporta sa kanya. (Dang Samson-Garcia)