Hindi naman siya sugarol, pero lagi daw nagkakautang itong isang miyembro ng Senado mula sa mga taong pinaaasa ng kanyang tulong.
Nakarating sa kaalaman ng Tonite na malambot daw ang puso ng senador kapag may humihingi sa kanya ng tulong, as in approve without thinking si lolo.
Ang problema ay kung paano makukuha sa mambabatas ang ipinangakong tulong dahil wala naman palang laman ang kaha de yero sa tanggapan ng senador.
Ang kadalasang scenario tuloy kapag humingi ng tulong sa senador, ‘mo’ ang sasabihin sayo ng staff as in “P3,000 mo” o kaya ay saka na ang “pang-PGH mo”.
Hindi naman daw tinutupad ng senador ang kanyang “mo” dahil kinalilimutan niya ito as in parang utang na nilista sa tubig.
Clue: Ang senador na mahilig sa “mo” ay sagana sa salita. May letrang R sa kanyang pangalan as in Rico o mayaman sa wikang Bisaya.