Labis na ikinairita ng ilang ang pagpapansin ng isa sa mga mambabatas na nanguna sa isang pagdinig. 

Ito ay dahil mukhang hindi pa rin daw nakuntento ang solon sa haba ng oras ng exposure nito sa pagdinig ng komite at pinilit pang sumingit sa ambush interview sa isang resource person.

Matapos kasi ang ilang oras na hearing na mistulang sinolo na rin ng ating bida, pilit na nagpapansin si Mr. Solon.

Habang iniinterview ng mga mamamahayag ang isang opisyal ng ahensiya, nagpapansin si Mr. Solon at pinuri ang isang reporter at sinabihan siyang paboritong reporter.

Tumabi pa si Mr. Solon sa iniinterview na opisyal kaya’t napilitan na rin ang mga kagawad ng media na interbiyuhin na rin ang mambabatas kasi umay na umay na sila sa mga sinasabi nito.

Ang ating bida ay may letrang R sa kanyang pangalan at apelyido as in Ratsada ng Ratsada.