Sino daw itong miyembro ng Upper House ang nagpababa ng mga pasahero sa elevator?

Hindi pa malaman ang dahilan kung bakit pinababa ng senador ang mga empleyado ng Senado sa elevator.

Pero ayon sa nasagap na tsismis ng Tonite, ayaw lang daw ng mambabatas na madikitan siya ng ibang pasahero.

Marami nga daw ang nadismaya sa ginawa ng senador, aba’y malaking kabaligtaran sa ipinapakita nito sa publiko na mahal daw niya ang mga nasa laylayan ng lipunan.

Kung tutuusin, kung madidikit ang ibang empleyado sa senador, magmumukhang katulong ang mambabatas dahil sa hitsura niya.

Pero dahil sa kayamanan nito, astang donya ang dating kahit na sa Senado kaya’t ayaw na ayaw madidikitan ng mga empleyado.

Clue: Ang senador na nagpalayas ng ­pasahero sa elevator ay hilig pumasyal sa ­Tondo at may kamukhang komedyanteng bakla sa ­showbiz industry.