Hindi pa man nahahalal, gusto nang bakuran ng isang kandidato sa pagka-senador ang isang kuwarto sa Senado.

Matapos kasi ang ginawang pagbisita sa Senado may ilang buwan na ang nakaraan, aba’y nagfollow-up daw ngayon ang kandidato at nagpasa­bing ireserba ang kuwarto sa kanya.

Tumango lang daw ang taong kinausap ng senatoriable dahil marami namang kuwarto ang mababakante sa pag-graduate ng ibang senador.

Pero ang ilang bugoy, natatawa lang sa ginawa ng senatoriable dahil hindi pa man napipisa ang itlog, ika nga, ay binibilang agad niya ang sisiw.

Clue: Ang senatoriable na nagpareserba na ng kuwarto sa Senado ay kilalang nagparetoke at may letrang M sa kanyang pangalan, as in mayaman.