Hindi pa man nananalo, atat na ang isang kandidato sa pagka-senador na maupo sa Senado.
Sa natisod na info ng Tonite, palihim na bumisita sa Senado ang ating bida at nakipagkita sa ilang senador.
Subalit habang patungo ito sa kanyang sadya, tila nag-iinspeksyon na ito sa gusali na magiging bagong tahanan niya kapag nanalo sa darating na halalan.
Nakasalubong tuloy ito ng ibang senador at kinantyawan kung ano ang tunay na pakay sa pagbisita.
Inasar pa siya kung naghahanap na ito ng magiging kuwarto sa Senado kaya’t binigyan ng tip kung saan makikita ang malapad na kuwarto.
Clue: Ang senatoriable na atat nang umupo sa Senado ay may mahabang baba at may letrang R sa kanyang apelyido as in Red o pulang-pula ang alab ng damdamin.