Marami ang nagtatanong kung maglaladlad na nga bang tuluyan o ipapakita na ang tunay na pagkatao ng isang senatoriable na dating opisyal ng gobyerno.
Sa kuwento ng ating impormante, naglakas loob daw kasi itong si senatoriable na isama ang umano’y bago nitong ‘boylet’ sa isang event na kanilang pinuntahan kasama ang ilan pang senatoriable.
Sa deskripsyon ng ating source, gwapo, bata at talagang matindi ang ibubuga ng sinasabing ‘fafa’ ni Mr. Senatoriable.
Kaya naman ang ating bida ay proud na proud daw sa pagdi-display sa kanyang kasama.
Bulungan tuloy ng iba nitong kasama kung sadyang malakas na raw ba talaga ang loob ng dating opisyal matapos na ring hindi sundin ang payo ng kanyang dating amo.
Clue: Ang ating bida ay may letrang Q sa kanyang pangalan as in Que Sera Sera.