Senior citizen may P500 birthday cash gift

Bukod sa buwanang pension na natatangap sa Social Security System (SSS) at Governmemt Service Insurance System (GSIS) ng mga senior citizen, may pa­nibagong cash benifits silang makukuha mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas.

Ayon kay Mayo­r Toby Tiangco, simu­la Enero 1, 2020, makakatangap ng P500 cash birthday gift ang sinumang senior citizens sa nasabing lungsod na tinawag na “Navoregalo”.

Sabi ng alkalde, nag­laan ng pondo ang Navotas City LGU, para bigyan ng munting regalo ang mga senior saanmang barangay sa lungsod.
“Kailangan po na nakarehistro sa OSCA ang ating lolo at lola para mabigyan ng b-day gift,” ani Tiangco.

Ang hakbang na ito ng Navotas ay bilang pag-alala sa mga nagawa ng bawat senior noong kabataan ng mga ito at mapasaya sa munting regalo mula sa pamahalaan. (Orlan Linde)