Wala nang buhay nang matagpuan ang isang senior citizen sa Sta. Cruz, Maynila Sabado ng umaga.

Kinilala ng Manila Police District-homicide section ang biktimang si Noberto Aguro, nasa 70 hanggang 75 ang edad, isang retiradong seaman at naging palaboy sa Bustos Street.

Nabatid na alas-8:15 ng umaga nang makita ni Ruel Pelaez, 43, manager, residente ng 517 Bustos St., Sta. Cruz, Maynila ang biktima na nakaupo pero hindi na gumagalaw kaya kaagad niyang ini-report sa Ongpin Police outpost.

Sa impormasyon nakuhag, nabatid na may iniindang karamdaman ang biktima bago pa man itong nakitang walang buhay.

Dinala ang bangkay sa Cruz Funeral Homes para sa awtopsiya at safe keeping. (Juliet de Loza-Cudia)