Joyce Penas Pilarsky
Joyce Penas Pilarsky

MAY asim pa! Si 2017 Mrs. Universe South Asia Joyce Penas Pilarsky ang rarampa bilang Reyna Elena sa Santacruzan sa Sta. Rita de Cascia Parish, Philam Homes, QC.

Kwento ni Pilarsky, “Ito kasi ang pamamaraan ng parish to pre­sent the Santacruzan sa millennials.

“Kasi, isa ito sa best Catholic practices natin. Ang mas mainam dito, aside from the tale of St. Helena looking for the Cross kung saan kasama niya si Cons­tantine, ‘yung virtues ni Mama Mary, are ­incorporated.

“Hindi lang siya pagandahan ng mga suot. Ipinaalam sa lahat ang cultural, historical at religious elements nito.

“Yes, ako ang may gawa sa gown ko. May hand painted designs siya, mga flowers at fully beaded.

“Kinarir ko talaga kasi I want to look fabulous pag naglalakad ako. Gusto kong ma-inspire ang mga mature women like me na pwede pa ring magsuot ng magagandang gown, nakaka-feel good ‘yun.

“Gusto ko ring makita kung matutuwa ang mga kabataan. Malay mo, sa pagla­lakad kong ito, I will be able to inspire some of them, na makita nilang fit at healthy ako, maging adhikain din nila to healthy as well.

“‘Yung matuwa sila sa suot ko, it might trigger their creative juices at in the future, maging designers din sila.”

Ang kakaiba sa Santacruzan na ito, pulos senior citizens ang kasali.

Pahayag ni Ms. Joyce, “Hindi ba masaya ang ganito. Nakakatuwa na through this Santacruzan, we are empowering the elderly.”

Sa mga hindi nakakakilala kay Pilarsky at tumataas na ang mga kilay with matching pagdadabog ng bangs kasi, feeling nila ay the WHO siya, sorry to disappoint you.

Award-winning fashion designer si Ms. Joyce, hindi lang pang-local, pang-international.

Two years ago, grand champion siya sa Los Angeles Fashion Week Design Competition.

Nai-feature na sa iba’t ibang magazines ang kanyang mga creation, na umani ng bonggang review mula sa mga fashion critics.

Naging slightly controversial rin si Pilarsky nitong Ms. Universe. Hindi kasi naisuot ni Ms. Jamaica ang yari niyang gown.

Naayos ang lahat matapos ang magkapaliwanagan.

Dagdag kaalaman, si Santa Rita de Cascia ay Patroness of Impossible Causes.

Siya rin ang patroness of abused women at mga babaeng wasak ang puso.

One Response

  1. Bakit kaya palaging sinasabi o ginagamit ang “MAY asim pa”? Samantalang ang baho ng amoy ng maasim. Dapat sinabi na lang, kahit may edad na, “amoy pinipig” pa rin.