Documented talaga ni Ai Ai delas Alas ang pagkikita nila ng sikat na Korean actor na si Park Seo-joon na dumating dito sa bansa.

Mula sa kawalan ng pag-asa nang hindi sila makakuha ng VIP tickets ng anak niyang si Sophia para sa meet and greet ni Seo-joon kahit pumila sila sa labas ng Bench Tower mereseng umuulan, sakses ang pagnanais ni Ai Ai na makita nang personal ang famous Korean idol.

‘Asawa’ ang tawag ng Comedy Queen sa bida ng “What’s Wrong with Secretary Kim?” kaya nagpasintabi siya sa mister niyang si Gerald Sibayan.

In fairness ay suportado raw si Ai Ai ng hubby niya kay PSJ, pinag-shopping pa raw siya nito ng isusuot niya. Bida-bida raw kasi siya, so itodo na niya.

Kintab-kintaban ang silver outfit ni Ai Ai with matching black beret at pati sa standee ni Park Seo-joon ay nagpapiktyur silang mag-ina.

Sey ng komedyana, dalawang tao lang ‘yung iniyakan niya at natulala siya nang makita niya in person—si Seo-joon at ang idolo niyang si Ms. Vilma Santos.

Naiyak daw siya kay PSJ at natulala siya kay Ate Vi. Ganu’n ang leveling sa kanya ng K-drama actor.

Mabait at mahiyain ang impression ni Ai Ai kay PSJ nang makita na niya ito nang personal sa pa-meet & greet ng Bench sa MOA Arena.

Blow by blow ang pag-post ni Ai Ai sa Instagram niya ng pictures at videos ni PSJ. Ang lakas ng tilian at grabe ang response ng tao sa Korean idol, na ang sabi ni Ai Ai ay nakapanghihina pero masaya ang oppa fans na katulad niya. Nainterbyu pa si Ai Ai nu’ng host ng event at panay ang tili niya sa sobrang saya at excitement. Fangirl na fangirl ang Comedy Queen.

‘Fanta’ ang tawag niya sa sarili niya, as in ‘fantanga’ dahil naiyak daw siya at hindi niya kinaya. Natawa na lang siya sa sarili niya.

Kasama si Ai Ai sa masusuwerteng VIP na nakapagpa-photo op sa 30-anyos na Korean superstar.

Speechless daw siya nang makatabi niya ito, kaya ganu’n na lang ang pasasalamat niya sa Bench big boss na si Mr. Ben Chan.

Kalerky! Ibang klase rin mahibang sa Korean stars ang ilang local stars natin. Faney kung faney! PAK!!

Northern Lights sa Iceland winelkam ang KathNiel

Totoo ngang nakita ng KathNiel ang Aurora Borealis sa unang araw ng bakasyon nila sa Iceland dahil nag-post na si Kathryn Bernardo ng ilang pics sa IG.

“Define magical. The northern lights decided to show up on our first day here, almost as if it was welcoming us.

“Thanks for showing up, Aurora Borealis! Please feel free to do so again in the coming days. We really don’t mind,” ang caption ni Kath sa sweet pic nila ng nobyong si Daniel Padilla na makikita sa background nila ang kulay berdeng Northern Lights.

Sey ng netizens, ang suwerte ng KathNiel na unang araw pa lang nila ay nakita na nila ang Aurora Borealis dahil hindi raw lahat ng dumarayo sa Iceland ay nakikita ito.

Ang chika ay 10 days ang bakasyong ‘yon ng KathNiel at ang main reason na pagbalik nila roon ay para makita ang Northern Lights, na agad binigay sa kanila sa first night pa lang.

3 years ago ay nag-shoot sila sa Iceland for Mega magazine pero hindi nila ito nakita.

September 26 pumunta roon ang magkasintahan para sa kanilang bakasyon grande. After a long flight ay nagbabad agad sila sa famous Blue Lagoon sa Reykjavik.