Seolhyun inisnab ang Korean

Seolhyun

Ang isang miyembro ng girl group na AOA na si Seolhyun ay nag-guest sa upcoming episode ng variety show na Running Man ng SBS.

Si Seolhyun o si Kim Seol-hyun ang isa sa ma­ituturing na “girl crush” ng karamihan dahil sa bright and pretty look nito.

Kaya naman curious ang karamihan, maging ang cast ng Running Man na excited na special guest nila si Seol­hyun, na malaman kung ano ang tipo o hinahanap niya sa isang lalaki.

Unfortunately, ­hindi ­Korean ang hanap ni ­Seolhyun.

“It’s not a Korean person. I recently watched the ‘Avengers’ film and became a fan of Thor.”

Ang Hollywood actor na si Cris Hemsworth ang gumanap bilang si Thor.

Nagpakita naman ng disappointment ang mga mi­yembro ng Running Man na malayo ang mga katangian kay Thor. Pero tila nahiya si Kim Jong Kook nang sabihan si Seolhyun na ito ang Thor of Running Man nila.

Anyway, bukod sa kanyang singing career, natapos na ring gawin ni Seolhyun ang Korean movie na ‘Ansi City’.