
Nag-alala ang mga tagahanga ni Seoulhyun.
Isa siya sa miyembro ng South Korean girl group na AOA. Sa umpisa ay napanood pa siya sa Fortnite Korea Open 2018. Pero sa last set ng performance ay hindi na nila ito nakita.
Pinaghinalaan na agad ang hitsura at kilos ni Seoulhyun. Halatang may iniinda itong sakit. At hindi nga naman normal na biglang mawawala ang isa sa miyembro lalo na kung sa umpisa ay nakitang nandoon naman.
Mas marami pa ang nag-alala nang i-upload ng isang fan ang video na kuha sa naturang show. Kitang-kita na tila may sakit ang singer/actress.
Siyempre, ang daming messages at comments na natanggap lalo na ng management ng AOA na FNC sa mga nag-aalalang fan.
At para sa ikapapanatag ng loob ng mga tagahanga ni Seolhyun, naglabas na nga ng official statement ang FNC Entertainment sa totoong nangyari.
Ayon sa agency, “During the performance at the Fortnite Korea Open 2018 today, Seolhyun felt dizzy because of the smoke and gunpowder that was used on stage. She was taken to the hospital right away and received treatment. She is currently at home resting.
“We will be more careful about the AOA members’ health in future. We apologize for causing fans concern.”
Sa video na lumabas, kitang-kita nga raw na may sakit ito. Pagkatapos ng performance nila na “Like a Cat,” hindi na ito makatayong mag-isa at kinailangan pang tulungan ng ibang members. ‘Yun pala, pagpasok nito sa backstage ay idiniretso na sa hospital kaya hindi na nakasama sa last set ng performance nila.