Idinagdag ang sepak takraw na libreng tinuturo sa PSC 4th Laro’t-Saya sa Parke, ‘PLAY ‘N LEARN’ 2016 na dinaraos sa kasalukuyan sa tatlong parke sa Metro Manila.

Pinakiusap ng mga nahihilig sa sepak takraw na mabigyan din sila ng kahit maliit na espasyong mapaglalaruan sa Burnham Green grounds sa Luneta-Manila na pina­yagan naman agad ng government sports agency nung Linggo.

“Nakiusap iyung mga bata na sana ay mabigyan sila ng isang court para sa sepak takraw which we did dahil ang objective naman talaga ng Laro’t-Saya is sports promotion,” sabi kahapon ni PSC LSP area coordinator Julia Llanto.

Pangsiyam na sports sa programa ang sepak takraw, pero bukod dun marami na rin ang humihiling sa 3×3 basketball.