Mga ka-Misteryo kahit sepulturero na sanay na sa mga libi­ngan ay nasisindak din sa pagmumulto ng mga patay.

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, alamin ang totoo!”
Ilang dekada na ring sepulturero sa Batanes si Mang Fidel at sanay na siya sa mga kababalaghan sa mga libingan tulad ng big­lang pagpaparamdam ng mga nakahimlay.

Pero nitong ala-1 nang madaling-araw Nobyembre 1 ay sob­rang takot ang naram­daman ni Mang Fidel habang nag-iikot sa loob ng sementeryo.

Nang tanungin ng #TeamMisteryo si Mang Fidel, bakas pa sa kanyang mukha ang matinding pagkatakot sa kanyang karanasan.

Team Misteryo: “Bakit ka natakot? Ano ang nakita mo o nari­nig habang nasa loob ka ng sementeryo?”

Fidel: “Bigla ba naman ako nakarinig ng mga boses ng mga batang nananaghoy, may impit na pag-iyak at humihingi ng tulong.”

Team Misteryo: “‘Di ba dapat hindi ka na takot dahil sanay ka na sa sementeryo? Bakit? Ano ang kakaiba sa mga panaghoy na ito at nasindak ka?”

Fidel: “Sobrang nakakatakot kung mariri­nig mo kasi may kasamang mga impit na iyak na parang nahihirapan at dinig kong nanghihingi sila ng tulong.”

Team Misteryo: “Anong ginawa mo? Tumakbo ka ba sa matin­ding takot at humingi ka ba ng tulong?”

Fidel: “Oo tumakbo ako sa tindi ng takot ko pero humingi ako ng tulong sa pari kasi inisip ko ‘yung mga batang ‘yun ay namatay sa malakas na lindol sa Batanes.”

Malinaw na ang mga batang nananaghoy ay hindi pa rin makatawid sa kabilang buhay tulad ng iba pang gumagalang kaluluwa sa ating pali­gid, kaya’t mahalaga na alayan sila ng taimtim na pagdarasal at bendisyon.

***

Para sa inyong mga karanasang kakila-kilabot at kababalaghan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.