Serbisyo, bago kita – Murang Kuryente

Nanawagan ang Murang Kureyente, isang energy consumer advocacy group sa mga shareholders ng Manila Electric Company (Meralco) na ‘wag ipilit ang pitong maanomalyang Power Supply Agreements (PSA’s) sa halip ang unahin ang pagbibigay ng malinis at abot-kayang ener­hiya sa mga consumers.

Ginawa ng grupo ang apela taunang Meralco’s Stockholder’s Meeting.

“As part-owners of the company, stockholder­s have the power to force change, if only they would want to. Meralco can be a leader in providing affordable and clean electricity u­sing renewable energy source if it is ordered to do so in this meeting,” saad ni Gerry Arances, Spokeperson ng Murang Kuryente.

Magugunita na kamakailan ay ibinasura ng Korte Suprema ang mga maanomalyang PSA’s subalit pinangangambahan ng Murang Kuryente na baka makagawa ng paraan ang Meralco at iba pang mga power companies na mabaligtad ang nasabing desisyon sa susunod na buwan.

Hinikayat rin ni Arances ang mga shareholders ng Meralco na isaalang-alang ang kalagayan ng mga naapektuhan ng Meralco’s coal-fired power plants at sa kanilang sariling mamimili o consumers sa paggawa ng kanilang mga desisyon.

“The sustainability of the environment and the health of Filipinos are always good investment’ pahayag pa ni Arances.

Umaasa si Arances na ang pagbibigay na abot kaya at malinis na kuryente na siyang itutulak ng Meralco’s Investors upang mapilitan ang kumpanya na baguhin ang kanilang adhikain at ang uunahin ay serbisyo at hindi ang kita.