Inalmahan ng isang opisyal ng Malacañang ang banat ng isang paha­yagan sa bansang France na ‘serial killer’ umano si Pangulong Rodrigo Duterte bunsod ng paglobo ng bilang ng napapatay sa war on drugs ng admi­nistrasyon.

“Iyong masasabi ko po, I think it’s irresponsible. It’s irresponsible the way they have said it and the way they carelessly used these words and their media power to think the Philippines in such a way ‘no. The best way I can say it is, it’s irresponsible,” diin ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

Nitong Sabado, headline ng dyaryong “The Liberation” sa France si Pangulong Duterte bilang “Le President Serial Killer” o “The Serial Killer President”.

Tinalakay sa artikulong sinulat ni Arnaud Vaulerin ang giyera kontra droga ni Duterte na higit 3,000 katao na ang napapatay.

Inungkat din dito ang pagmumura ng Pangulo kay US President Barack Obama at kay Pope Francis, ang paghalintulad niya kay Adolf Hitler para mapatay ang 3 mil­yong adik sa bansa at ang koneksyon niya sa Davao Death Squad.

Nagpaliwanag naman si Abella na kailangang ­ilunsad ng Pangulo ang giyera kontra droga dahil sa nagiging kanser na ito ng ating lipunan.

Kung may nasasabi man, aniya, ang Pangulo sa pagpatay ng tao, ito ay kung malalagay sa pa­nganib ang buhay ng awtoridad na siyang aaresto sa drug suspects.

“…for the longest time kasi, parang hindi talaga siya pinansin at binigyang-tuon in the past ‘no. And ngayon, napakalaki na so drastic measures have to be taken for drastic situation. But, we appreciate the President dahil lagi niyang sinasabi kahit na very colorful iyong language niya, pero in practice, everything has to be done with regularity,” paliwanag ng kalihim.

Suportado rin umano ng taumbayan ang war on drugs, patunay ang lumabas na survey na pumapabor dito at sa mataas na satisfaction rating ng Pa­ngulo.

7 Responses

  1. Ang sumulat niyan ay media, hindi ang prime minister o presidente ng France. Ang nagmura kay Obama, kay Pope Francis, sa UN, kay Ban Ki moon, sa US ambassador to the Philippines, sa mga obispo ng Catholic Church, sa mga Hudyo, – ang kumampi kay Hitler, sa mga communista, sa Russia, sa China, siay ay ang ating Pangulo. Kung irresponsible ang press, sila lang yun. Kung irresponsable ang Pangulo, head of state siya kaya kasama tayo lahat.

  2. Ang sinasabi yung ejk, hindi yung police operation. Dumadami ang ejk na hanggang ngayon ni isa walang nahuli, tulad ng mga ejk sa davao city na wala man lang nasolve. Kaya ng gobyerno isolve ang ejk pero pinabayaan dahil kasabwat sila

    1. di bale ng palamura at bastos ang bunganga ng presidente.. kesa sa mga may mababango at mabubulaklak na salita ng mga naging presidenteng Inutil na hinayaang lumala ang cancer ng bansa..