Labing-isa katao na umano’y pawang sangkot sa iligal na kalakaran ng ipinagbabawal na gamot ang pinakahuling naitalang patay sa vigilante group sa magkakahiwalay na mga insidente ng pananambang sa Caloocan City kamakalawa ng hapon at gabi.
Kinilala ang mga pinaslang na sina Lawrence Estevez, 21-anyos ng Malonzo Street, Heroes Del 96 ng nasabing lungsod; Fernando Castillo, 45-anyos ng Llano, Brgy. 176, Tala ng nasabing lungsod; Celestino Fonteron Jr., 52-anyos; Joe Allan de Liva, 28-anyos; Jimmy Chavez, 51-anyos ng Block 16 – C, Camada Compound, Dagat-Dagatan Avenue ng nasabi pa ring lungsod; Jason Patricio, 28-anyos at tomboy na si Mary Ann Manansala, 42-anyos ng Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City.
Napatay din sina Jomar Gayod, 21-anyos ng Robert Street, Bankers Village, Brgy. 184; Randy David, 38-anyos; Marnele Casido, 28-anyos ng Block 12 – B, Malonzo Street, Dagat–Dagatan; at Mark Edwin Enriquez, 21-anyos ng Reparo Street, Brgy. 161, Baesa; pawang residente ng Caloocan City.