Serye nina Aljur, Ejay unang matetepok kesa sa COVID-19

Magkakaisa bilang magkadugo sina Ejay Falcon at Aljur Abrenica sa paghahanap nila ng hustisya para sa kanilang ama sa huling linggo ng haponseryeng “Sandugo.”

Tampok din sa serye sina Jessy Mendiola, Arlene Muhlach, Cogie Domingo, Dido Dela Paz, Jeric Raval, Maika Rivera, Mark Lapid, Nanding Josef, Ali Abinal, Reign Parani, Karina Bautista, Aljon Mendoza, at Ogie Diaz.

Sundan ang huling mga tagpo ng sakripisyo, kapatawaran, at pagmamahal sa pamilya sa nalalapit nitong pagtatapos ng “Sandugo,” sa ABS-CBN.

Sey ng netizen mas nauna pang matapos ang serye nina Ejay at Aljur kesa matepok ang coronavirus. (RFC)