Kapag hindi nagbago o nag-improve ang telecommunication service sa bansa ay seseryosohin na ng gobyernong Duterte ang pagtatayo ng sariling­ telecom service.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar kaugnay sa plano ng pamahalaan partikular ng Department of Information and Communication Technology (DICT) nang kapanayamin sa radyo sa problema sa mabagal na telecommunication service sa bansa.

“Ang sabi po ng ating Pangulo (Rodrigo Duterte) ay kung hindi i-improve ang kasalukuyang… suggest­ ay magtatayo. So kilala natin ang ating ­Pangulo, alam natin na ang ating Pangulo ‘pag nagsalita ay ibig sabihin niyan ay frustrated na iyan,” pahayag­ ni Andanar.

Upang hindi umano humantong sa ganitong aksyon ang pamahalaan ay dapat na kumilos na agad ang mga telecommunications companies.

“So kailangan talaga, bilisan ng dalawang telcos.­ Ang pagkakaalam ko ‘di ba bago nanumpa si Pangul­o ay nagkaroon ng buyout iyong dalawang­ telcos, binili nila iyong Liberty Telecoms and ­supposedly, iyong frequency na nakuha nila will solve the problem.

So, hinihintay pa rin natin kung ano magiging epekto noon,” paliwanag pa ng PCO chief.

One Response