“I am all set and ready to leave the cocoon!” — Kris

Kris Bernal
Gabbi Garcia
Gabbi Garcia

MUKHANG at ease mag-travel on her own si Gabbi Garcia. After her recent Australia trip, hindi pinalagpas ni Gabbi na ma-explore ang Pili­pinas.

Pinatunayan niya na being single is not a hindrance para ma-enjoy ang pagta-travel.

Sa upcoming GMA Public Affairs special na 3 Days of Summer, iikutin ni Gabbi ang Antique Island.

May adventure na ibabahagi ang Kapuso actress sa pagbisita niya sa Tibiao River at ang seven-tiered falls na Bugtong Bato.

Mapapanood ang summer getaway ni Gabbi sa two-part special na 3 Days of Summer sa Mayo 7 at 14, sa Sunday Night Box Office ng GMA 7.

***

Level up na talaga si Kris Bernal.

Bukod sa kaabang-abang na pagganap niya sa Impostora, halos eve­ryday na rin kung manggulat ang Kapuso actress sa mga changes sa buhay niya.

Isa na rito ay ang pagpo-post niya kamakailan ng isang photo para sa isang men’s magazine.

Ayon sa kanyang Ins­tagram post, handa na siya sa isa pang step sa buhay niya.

“I am all set and ready to leave the cocoon! And I’m not going to mold myself for you, for how you want me to look and be like! Let you, let the world adjust to me,” sey ni Kris.

***

Excited si Edu Manza­no na makasama si Eugene Domingo sa pagbabalik ng game show ng GMA na Celebrity Bluff.

Kuwento ni Edu, “Nakikilala siya sa comedy pero isa siya sa pinaka­seryosong aktres sa ating industriya.

“Comedy is a tough business. People shouldn’t take it very handily.

“Sinasabi nga ng marami sa ating mga pinakatanyag, pinakasikat na humorists or comedians, it’s hard to make people laugh than to make them cry.

“So, I’m looking forward to working with Ms. Eugene Domingo.”