NI:ROLDAN CASTRO

Hindi na mapigilan ang pag-angat ng popularidad ng ex-PBB housemate na si Seth Fedelin.

Nu’ng dalhin namin siya sa Liberation Day celebration sa Mariveles, Bataan ay parang Daniel Padilla nu’ng baguhan pa lang ang pagtili sa kanya. Malakas talaga ang hatak niya sa mga netizen.

Pati ang mga sumusuporta kay Joshua Garcia ay may tinayo na ring fans club para sa kanya.

Anyway, ngayong Sabado ay tampok si Seth sa MMK para sa Plazo Brothers Story.

Bibida rin siya ngayong March 7 bilang celebrity VJ sa Pop MYX.

Malaki talaga ang nagawa ng ‘Kadenang Ginto’ at loveteam nila ni Andrea Brillantes para umabante ang career niya.