tonite-annyeong-rose-garcia

Galit na galit ang mga tagahanga ng pioneer South Korean boy group na BIGBANG, lalo na ng mga tagahanga ng pinakabunso ng grupo na si Seungri.

Katatapos lang ng concert ni Seungri sa Hong Kong bilang bahagi ng kanyang “The Great Seungri” solo Asian tour na nagsimula pa noong August 2018.

Pakiramdam ng mga fan, hanggang ngayon, kahit na sabihin pang ang Bigbang ang isa sa mga popular at kinikilalang boy group sa Korea sa mahi­git isang dekada, inaapi pa rin umano ng YG Entertainment.

Sa naging concert ni Seungri sa Hong Kong noong January 13, naibahagi nito sa mga fan niya na nanonood kung bakit daw wala siyang backup dancers. Nakatanggap daw siya ng tawag mula sa kanilang boss sa YG Entertainment na si Yang Hyun Suk na he’s the great Seungri naman kaya hindi na niya kailangan ng backup at puwede siyang mag-perform na lang na mag-isa.

Bukod dito, pinaalis na rin daw ng YG ang stylist niya, band at 2 dancer bilang mga senior artist at inilagay sa girl group na mina-manage rin ng YG, ang BLACKPINK.

Everybody knows na ang BIGBANG ang isa sa maituturing na money maker ng YGE.

Dahil sa naging rebelasyon na ito ni Seungri sa Hong Kong concert niya, nabuo ang hashtag na #SeungriDeservesBetter. At mababasa sa social media ang galit ng mga fan.

Pagkatapos ng Hong Kong, naka-schedule rin si Seungri ng concert sa Manila ngayong January 19 sa SM Mall of Asia Arena. Magsisilbing special guest niya ang isa pang YG ta­lent at kaibigan din ni Seungri na si Sandara Park.

Sa artikulong lumabas sa allkpop.com, nilabas dito ang komento ng isang fan. Ni-raise niya ang magiging concert ni Seungri sa Pilipinas na pakiramdam nito, kawalan din daw ng suporta mula sa YGE.

Komento ng isang netizen/fan, “You didn’t promote him in Manila and PHVIPS funded advertisements on IG, FB, Youtube, Twitter. They paid for billboards advertisements and the MOA GlOBE. Journalists VIPS wrote articles for him. PHIVIPS asked official twitters of news networks to feature him. We had fundraisers to help PHVIPS. We didn’t storm your UNGRATEFUL AND UNWORTHY ASS then but now that we see you’ve not only cut his promotions, you took away his LIVE BAND, his DANCERS, his STAFF. Don’t think we don’t know his concert in Manila is completely happening without support from your company, official merchandise won’t even be sold at his Manila concert because YGE IS NOT SUPPORTING HIM.”