Sex den sinalakay sa Makati; 13 imported prosti sinagip

Isa na namang establisimyento na ginagamit sa prostitusyon ang sina­lakay ng mga tauhan ng Makati City at naaresto ang tatlong Chinese national, habang 13 babae ang nailigtas at 5 empleyado nitong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ni Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police ang naarestong sina Kevin Sy, 25 at Xiao Lao, 23, kapwa maintainer umano ng sex den at ang kustomer na si Tong Po, 25.

Habang nasa 13 babae ang nailig­tas sa pagsalakay kabilang ang siyam­ na Chinese national, dalawang Russian at dalawang Vietnamese. Limang empleyadong Pilipino rin ang inimbitahan para sa imbestigasyon.

Sa isinumiteng report ni Simon, nakumpirma ang iligal na operasyon sa Golden Dragon Spa sa No. 1847 K&K Building sa may Evangelista St., Brgy. Pio del Pilar, ng naturang lungsod.

Isang police asset ang nagpanggap na kustomer at nagbayad ng P22,000 sa mga maintainer ng hotel para sa sex service sa mga dayuhang babae.

Dito na tumambad sa kanila ang mga babaeng dayuhan sa mga kuwarto at mga condom at sex toy.

Agad naman dinala ang mga dayuhan sa nasabing himpilan ng pulis­ya at ang mga babae namang nailigtas ay dinala sa tanggapan ng Women and Children Protection Desk.

Nahaharap ngayon ang tatlong naarestong dayuhan sa kasong Human­ Trafficking habang inaalam ng pulisya kung may kaukulang business permit ang establisimyento para tuluyan itong maipasara. (Armida Rico)