Nagiging makakalimutin ka na ba? ‘Yung tipong mabilis mawala sa loob kung saan inilagay ang isang bagay, ‘Yung kasasabi mo lang, pero itinatanggi mo na agad. Senyales ‘yan ng paghina ng memorya.

Eto ang solusyon sa’yo. Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Journal ng Archives of Sexual Behavior, nababawasan ang pa­nganib ng memory loss kung madalas kang nakikipagtalik habang nagkakaedad.

Isinailalim sa memory test ang mahigit anim na libong respondents, edad 50 pataas. Sumagot sila sa mga tanong na may kaugnayan sa diet, health at sexual activities gaya ng pakikipagtalik. Matapos ang dalawang taon, muling isinailalim sa memory test ang mga respondent.

Lumalabas na mas matalas ang pag-iisip ng mga taong sexually active o ‘yung madalas makipagtalik sa kanilang partner. Katunayan, mas may kaugnayan ang frequent sex at better memory sa mga matatandang res­pondent.

Sabi ng lead author ng pag-aaral na si Marl Allen ng University of Wollongong sa Australia, “intimacy (the emotional closeness) might be stimulating areas of the brain that are associated with memory.” Ito raw ang dahilan kaya lumalabas na mas matalas ang pag-iisip ng mga taong madalas maki­pagtalik.

Ang sa akin lang, hindi porket sinabing nakakatalas ng memor­ya ang sex, wala ka ng pakundagangan sa pakikipagtalik sa kahit na sino. Ugaliin pa rin ang ‘safe sex’.