Kailangan ng katawan natin ang pahinga. Isa sa paraan dito ay ang kumpletong oras ng tulog.

Anim hanggang 8-oras na tulog ang kaila­ngan ng bawat tao. Pero kung hindi ka makatulog, narito ang payo ng ilang eksperto:

*Makipag-sex sa gabi! Ayon sa pagsusuri, nakatatanggal ng stress ang pakikipagtalik at na­giging mahimbing din ang pagtulog.

*Magkaroon ng regular na oras ng pagtulog.

*Regular at tamang ehersisyo.

*Kumain ng masustansya at tama.

*Umiwas sa pag-inom ng kape, alak at paninigarilyo.

*Malaking tulong din ang pagmi-meditate at pakikinig ng music.

*Maligo ng maligamgam na tubig bago ­humiga sa kama.

*Magpamasahe, at higit sa lahat – magdasal.