Sexbomb nag-bonding sa online

Happy ang mga fan ng sing and dance group na SexBomb Girls matapos mag- bonding ang mga ito sa online.

Makalipas nga ang 13 na taon ay nag-reunion ang ilang miyembro ng SexBomb Girls na sina Rochelle Pangilinan, Weng Ibarra, Yvette Pabalan, Jopay Paguia, Izzy Trazona at Monic Icban.

Ibinahagi ni Rochelle ang video ng kanilang naging tsikahan sa YouTube.

Sabay-sabay rin nilang kinanta ang theme song ng 2003 TV drama na “Daisy Siete”.

Narito ang comment ng ilan nilang fan:

Julie Ann Salangsang: “The Legends!! The ultimate sexbomb dancers.. Pati ako nakisabay sa iyakan nyo.. sobrang namiss ko tong best group of female dancers na to.. Pati ako nagbalik sa panahong nakasubaybay ako sa lahat ng shows nyo at sa Daisy Siete pati yung song na “Tahanan” grabe! Kakaiyak.. I miss you and love you sexbomb!! Get get awww!!”

Julius Kevin Bailon: “OMG! I never thought this would happen again kasi busy na kayong lahat in your respective careers, pero thank you Ate Roc kasi you made it possible once more. Nakaka-miss kayong panoorin. I love you Sexbomb!”

Kuys Rod: “Omayghaaaadddddd this was sooooo lovvvvveee.” (IS)