Sa halip na kumita­ kapalit ng mga ipinapadalang hubad na lara­wan sa social media sa isang nakilala sa Facebook ay nakikilan at nagahasa ang isang dalagita sa Caloocan City.

Sa salaysay sa pulisya ng biktimang itinago sa pangalang Hazel, nakumbinsi umano siyang padalhan ng malalaswang larawan at videos kapalit ng P10,000 halaga ng pera ang suspek na kinilalang si Jhon Angel Abitona ng Barangay 176, Bagong ­Silang, Caloocan City.

Ngunit matapos uma­nong maipadala ng biktima ang malalaswang lara­wan at videos ay hindi ­siya binayaran ng suspek at sa halip ay inumpisahan­ ­siyang takutin na umano ay ikakalat ang kanyang mga nude photos sa net kung hindi ito papayag na makipagtalik sa kanya.

Sa takot ng biktima ay nakipagtagpo ito sa suspek sa isang apartelle sa nasabing lungsod noong Hulyo 24, taong kasalukuyan at doon ay ginahasa siya ni Abitona.

Ngunit hindi pa roon natapos ang kalbaryo ng biktima dahil matapos siyang gahasain ay muli umano ­siyang tinakot ng suspek na ikakalat ang kanyang mga larawan sa net kung hindi ­siya bibigyan ng P3,000.

Dahil walang ganu’n halaga ang biktima ay nakiusap muna ito kung maaari ay P1,000 na lang muna ang kanyang ibigay na napapayag naman ang suspek.

Doon na humingi ng saklolo sa Anti-Cybercrime Group-Women and Children Protection Desk (WCPD) ang biktima.

Mabilis namang nagkasa ng isang entrapment operation ang mga awtoridad kung saan ay sinabihan nila ang biktima na ipadala sa suspek ang napagkasunduan nilang halaga ng pera at matapos na kunin ni Abitona ang pera ganap na alas-kuwatro ng hapon sa isang money remittance branch sa nasabi ring lugar ay inaresto ito ng mga awtoridad.

Narekober ng mga awtoridad mula suspek ang kanyang mobile phone na naglalaman ng mga hubad na larawan ng iba’t ibang babaeng mga menor de edad pa na inaalam pa kung nabiktima rin ni Abitona sa pag-i-extort ng pera.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Department of Justice (DOJ) si Abitona na sasampahan­ ng patung-­patong na kaso ng rape, child pornography, robbery extortion in relation to RA 7610 o special protection against child in abuse, exploitation and discrimination act.

2 Responses