Sexual fantasy ni Regine, na-fulfill ni Ogie nang BONGGANG-BONGGA

Regine Velasquez

WALANG Valentine concert next week si Regine Velasquez-Alcasid.

Nagpahinga muna siya dahil meron dapat naka-lineup, pero nagkagulo, kaya sabi niya ay huwag na lang muna siyang mag-V-Day concert.

Ang sabi rin ng sister-manager niyang si Cacai Mitra ay mag-concentrate na lang siya sa kanyang 30th anniversary concert sa October sa MOA Arena.

So, anong gagawin nila ng mister niyang si Ogie Alcasid sa Araw ng mga Puso?

“Magse-sex kami ng asawa ko, baket? Pakelam mo?! Ha! Ha! Ha!” natatawang sagot sa amin ni Songbird nang matsika namin siya kahapon sa presscon ng bago niyang Kapuso show na Full House Tonight.

Ah, so may Valentine sex silang magdyowa, ganern?

“Everyday naman kami may gano’n.”

May Valentine show si Ogie sa Kia Thea­tre, ‘di ba? Eh ‘di pagod na ang asawa niya pag-uwi?

“Walang pagod-pagod ‘yon! Hindi uso ang pagod du’n! Ako nga, ‘pag sinabi kong pagod ako, ‘Okey lang ‘yan!’ Ha! Ha! Ha!” tawa pa ng babaeng baklah na si Regine.

Ginagawa niyang biro ang bagay na ‘yon, pero sabi ni Reg ay totoong active ang sexlife nila ni Ogie.

“Aba, kailangan. Mga bagets pa kami. Naman, ‘no! But you know, it’s part of being married.

You’re supposed to be active in that area too.

“That’s also created by God. It’s created for you to feel pleasure. ‘Yun nga ang pinakamaganda du’n eh, in the context of marriage.

“And ‘pag may asawa ka, gawin n’yo nang gawin. Kasi, ‘yun nga, free ‘yun eh, ‘pag asawa mo,” natatawa niyang dayalog.

Nagdi-discover ba sila ni Ogie ng mga iba’t ibang gimik pagdating sa pagtatalik?

“Ay naku, meron kaming mga role-playing! Naks! Ha! Ha! Ha!”

Mala-50 Shades of Grey ba ito?

“Ha? Hindi ko alam ‘yon. Huwag na naming i-discover ‘yon. Meron kaming sari­ling amin! Ha! Ha! Ha!”

May kasamang PANANAKIT kapag 50 Shades…

“May sarili kami. Ayaw namin ng mga pananakit.”

Hirit pa ni Reg, when you’re married, you’re not gonna stay in love with your partner 24/7.

“Because there are days na, ‘Nakakainis naman, ‘to!’ And I’m sure, he’s like that with me too.

“So, you need to be really, really in love with each other. Kasi, you’ll go through ups and downs.

“Ganu’n talaga ‘yon. Relationship ‘yan. Magkaiba kayong tao. Tumatanda kayo. Hopefully, ‘yung level ng pagtanda n’yo, pareho.

“So, kasama ‘yon sa marriage. Sex is actually very, very important. You need to fulfill each other’s needs and even fantasies, actually.

“I would rather that he fantasizes with me in it than he would fantasize with somebody else or he’d fantasize with a­nother girl,” katwiran ng madir ng 5 years old na si Nate Alcasid.

‘Yung sexual fantasy ba niya ay na-fulfill na ni Ogie?

“Nang bonggang-bongga!” mabilis na sagot ni Reg.

Wow! Ang tarayy!!

“Wala naman kasi akong comparison, kaya bonggang-bongga na ‘yon.”

Eh ‘yung sexual fantasies ni Ogie, naibibigay niya rin ba?

“Hopefully! Ha! Ha! Ha!”

Hindi ba sila naaabutan minsan ni N­ate?

“Nakakatawa nga kasi, ‘pag nagla-lock kami (ng pinto ng bedroom), kumakatok siya (Nate).

“Tapos, naririnig ko sa labas, ‘Ay, Nana (yaya), naka-lock.’”

Anong sinasabi ng yaya kay Nate?

“Wala lang. ‘Mommy! Mommy!’ sabi ng anak ko.”

Deadma sila ni Ogie?

“Deadma kami. Sabi ng asawa ko, ‘Huwag kang maingay!’ Ha! Ha! Ha! Ha!” ha­lakhak pa ng pilya at kikay na si Songbird.

Hindi tungkol sa sex at hindi rin si Ogie ang kasama ni Regine sa Full House Tonight na isang weekly musical-comedy show tuwing Sabado ng gabi.

Kasama niya rito sina Solenn Heussaff, Joross Gamboa, Bianca Umali at Miguel Tanfelix, pati na ang mga komedyanteng sina Phillip Lazaro, Nar Cabico, Kim Idol, Terry Gian, Tammy Brown, at Sarah Pagcalinawan.

Sa February 18 ang simula ng Full House Tonight pagkatapos ng Magpakailanman.