MATINDI pala ang crush ng isang young politician sa isang sexy actress na kahihiwalay lang sa kanyang businessman-boyfriend.
Gustong makilala ni young politician si sexy actress.
Ang problema, maingay ang tsikang there’s something romantic going on between the sexy actress at ‘yung hunk actor na kapareha niya sa isang primetime series ng isang top TV network.
Kung may namumuong ‘something’ na kay sexy actress at kay hunk actor, puwede pa kayang makasingit si young politician?
Ang tsika, ginagawa ni young politician ang lahat ng paraan para makilala si sexy actress.
If ever na magkakilala sila, ma-“WIN” kaya ni young politician si sexy actress?