SEXY actress na controversial noon, nagmamaldita ngayon! Bold ang movie niya noon pero hindi naman masyadong kumita.

So-so.

Kahit ini-launch siya ng isang kilalang movie outfit, flopsina actress pa rin siya.

Semplang.

Nawala siya sa showbiz pero pinag-usapan ulit dahil sa halos araw-araw na bugbugan blues nila ng isang bold actor na wala masyadong recall kay Aling Saling.

Na-lost in space ulit ang beauty niya at nang mag-resurface muli sa init ng magdamag, dyowa na siya ng isang host/actor na wah na rin career.

May restaurant business sila na si sexy actress ang nagma-manage.

Ganu’n na lang kung tili-tilian ni sexy actress ang mga empeyado nila.

Konting kibot, tala­kitok!

Mun­ting problema, pinapalaki niya.

Lahat na lang, pinapakialaman niya.

Buti na lang, andiyan ang jowa niya to the rescue sa mga employee.

May twang si ate kung bumalibag ng English. Para siyang ngumangata ng kornik kung mag-deliver ng chika niya.

Pati mga kamiting niyang richie rich, hilong-hilo sa mga kuda niyang British accent.

At ang outfits niya, pawang signature. Kahit hindi bagay sa kanya at TH na TH ang dating niya, kebs!

Dahil sa yabang at arte chururut ni ate, muntik nang matigok ever ang resto nila.

To the rescue ulit ang jowa niya.

Pinagsabihan ni kuya si ate na hindi na siya pwedeng makialam sa negosyo nila.