tonite-no-thanks-cristy-fermin

Natural lang na manibago sa kanyang lifestyle ngayon ang isang kilalang sexy female personality.

Napakalaki nga naman ng pagkakaiba ng noon at ngayon sa kanyang buhay.Kung dati’y parang nakukuha niya ang lahat ng gusto niyang materyal na bagay sa isang iglap lang, ngayon ay ibang-iba na ang sitwasyon, kailangan niyang pag-ipunan ang mga pinapangarap niyang granatsa sa buhay.

Kuwento ng aming source, “Paano naman nu’n, hindi lang ang talent fee niya bilang artista ang inaasahan niya. Mas malakas siyang kumita sa sideline niya!“Du’n talaga sumasargo ang kadatungan niya, parang ang pag-aartista pa nga ang lumalabas niyang sideline, e. sa loob lang nang ilang oras, ang kapal-kapal na ng bulsa niya.“E, sa pag-arte niya, ang kapal-kapal na ng eyebags niya sa kapupuyat, mas maliit ang kinikita niya,” simulang kuwento ng aming source.

Pero mautak din ang sexy actress, natuto siyang magpahalaga sa mga biyayang dumarating sa kanya nang buhos nu’ng kabataan niya, marami siyang naipundar.“Bukod siyempre sa mga branded stuff na meron siya, e, nakabili rin siya ng mga properties.

Ginamit niya ang katawan at utak niya, para nga naman kapag dumating ang panahong hindi na siya nakapagsa-sideline, e, meron siyang unti-unting maaasahan.“Kaya nu’ng dumating ang time na kailangan niyang magpahinga sa pagtatrabaho, e, nakaraos siya nang wagas, hindi siya nag-apuhap ng kadatungan, dahil marami siyang naipon at naipundar,” kuwento uli ng aming impormante.

Paminsan-minsan ay nag-aalala rin ang sexy personality, hindi na kasi siya bumabata, patuloy ang kanyang pagkakaedad na hindi niya mapipigilan.

Pagtatapos nga ming source, “’Yun ang inaalala niya ngayon. Hindi na siya tulad nang dati na puwedeng rumampa anytime dahil bata-bata pa siya.“E, ngayon, lumaki na ang katawan niya, kapansin-pansin na rin ang pagkakaedad niya, paano raw kapag naubos na ang mga naipundar niya?

Oo nga naman.”

Alden tutok sa kinabukasan ng pamilya


Hindi natuloy sa Amerika ang pamilya ni Alden Richards nga­yong Kapaskuhan. Sa halip ay sa Japan ang naging destinasyon nila.

Hindi na kaya ng kanyang lolo ang mahabang flight.

Hindi na mahalaga kung saang bansa man sila natuloy, ang importante ay magkakaroon ang Pambansang Bae nang mahaba-habang panahon para maangkin ang kanyang oras, puwede siyang magpa­hinga hanggang gusto niya.

Sa totoo lang ay hindi naman biro ang pinagdaanan niyang sakri­pisyo ng pagtatrabaho nang araw-araw.

Kung ang makina nga ay pinagpapahinga para pakinabangan uli ay ganu’n din ang tao.

May mga pagkakataon ngang bumibigay na rin ang kanyang katawan, pero ayaw niyang maging cause of delay sa kanyang mga kompromiso, nagtatrabaho pa rin si Alden.

Regalo niya para sa kanyang sarili ang bakasyong ito, ganu’n din sa kanyang pamilya na halos hindi rin naman niya nakakasama sa dami ng kanyang trabaho, naiwan ang kapatid niyang si Riza dahil ito ang pinamamahala ng guwapong aktor sa papasukin niyang negosyo ng pagpa-franchise ng isang sikat na food chain ilang buwan pa mula ngayon.

Tama ang ginagawa ni Alden Richards, habang sagana pa ang pagbuhos ng biyaya para sa kanya ay unahin niya munang asikasuhin ang kinabukasan niya at ng kanyang pamilya, ang bilis-bilis ng transis­yon ng mga artista ngayon.Sa dami ng mga pa-contest na ginagawa ngayon ay sumasargo sa dami ang mga baguhang artista, marami sa kanila ang makalulusot, kaya malaking kaagawan ni Alden ang ganu’n sa kanyang kasikatan ngayon.