Sexy actress, milyonaryong negosyante sinugod ng misis sa date

actress-businessman

tonite-no-thanks-cristy-fermin

ILANG taon na ang nakararaan ay nagtagpo sa isang pangyayamaning restaurant ang isang milyonaryong businessman at ang isang maganda at seksing female personality.

Hindi sila magkakilala, ang kasamang Boogie Wonderland lang ng girl ang nagpakilala sa kanila, ayos na ang transaksiyon. Naibigay na ng milyonar­yong negosyante ang talent fee ng female personality, nagkaabutan na ang kliyente at ang pimp, kinuha lang nito ang kanyang porsiyento at inilagay na ng girl ang kadatungan sa kanyang bag.

Kuwento ng aming source, “Kumakain na sila, nagkukuwentuhan, nu’ng biglang dumating ang wife ng businessman. Galit na galit! Ang sabi ng wife, ‘Lumabas ka! Sumunod ka sa akin! Kapag hindi ka sumunod, gagawa ako ng gulo dito!’

“Naloka ang maganda at seksing girl, pati ang pimp, parang ibinabad sa suka ang face sa pamumutla, walang nagawa ang milyonaryong businessman kundi ang sumunod na lang sa wife niyang nagtatatalak!
“E, ang daming ­kumakain sa resto, may mga nakapansin na nga sa commotion, kaya nagtatakip ng face ang female personality! Maya-maya, umalis na rin sila sa resto ng Boogie Wonderland niya!” kuwento ng aming source.

Bantay-sarado na ang negosyante sa kanyang misis, hindi na ito maka­gawa ng milagro, pero isang araw ay tinawagan nito ang boogaling.

“Ang tanong ng client, makukuha pa ba niya ang malaking halagang ­involved sa sexual transaction nila ng female personality na hindi natuloy?

“Ang sabi ng pimp, tatawagan daw niya ang girl, itatanong niya. Tumawag ang pimp sa milyonaryong businessman, ‘Sir, nagkausap na po kami ni ____(pangalan ng maganda at seksing aktres), hindi na raw po niya ibabalik ang datung. Forfeited na raw po ‘yun dahil hindi naman siya ang cause ng hindi pagkatuloy ng tran­saction n’yo.”

“Kung gusto raw ng businessman ang part 2, panibagong transaksiyon na ‘yun, magbabayad siya uli, ‘yun ang kundisyon ng girl. Mautak ang girl, ‘di ba naman?

“Napapanood siya ngayon ng businessman sa isang serye, hindi na raw ganu’n ka-fresh ang beauty ngayon ng girl, kaya ang sabi ng client, no more part 2 na raw,” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Dulce, David walang notang dispalinghado

KAMPANTE na ­kaming kumilos ngayon ni Direk Japs Gersin. Matagum­pay na tinapos ng The OPM Hitmen at ng mag-inang Dulce at David Ezra ang aming Mother & Child concert nu’ng Sabado nang gabi sa Zirkoh-Tomas Morato.

Umuwing maligaya ang manonood, binusog ng mga performers ang kanilang gabi sa pamamagitan ng musika, walang kakupas-kupas ang Asia’s Diva at ang The OPM Hitmen at nagpakitang-gilas ang stage actor-singer na si David Ezra.

Wala kaming naging problema, propesyonal silang kausap, natupad ang araw ng rehearsal at ang run-through bago ang show, ‘yun ang bentahe ng mga producers kapag sila ang kinukuhang performers, mahal na mahal ng tropa ang kanilang trabaho.

Bago sa pandinig ng mga concert goers ang duweto ng mag-inang Dulce at David Ezra. Una munang bumuga si Dulce, pagkatapos ay pinaha­nga naman ni David ang manonood sa buung-buo nitong boses at kaguwapuhan, pero ang pinakamalakas na palakpakan nu’ng Sabado nang gabi ay tinanggap ng mag-ina nang ihandog nila ang The Prayer.

Emosyonal ang numero, swak na swak ang atake nina Dulce at David, kahit isang notang dispalinghado ay walang-wala dahil napakakinis ng kanilang bersiyon.

Sabi ng aming mga kaibigan ay hindi dapat magpakulong lang sa mundo ng entablado si David Ezra, masyadong limitado raw ang kanyang ginaga­lawan, samantalang puwedeng-puwedeng isalang nang sabayan ang binata ni Dulce sa magagaling nating singers ngayon.

Maraming-maraming salamat kay Juno Cabato at sa Xindicatto Band na mula umpisa hanggang sa pinakahuling numero ay malinis at makinis ang kanilang mga instrumento.

Maraming salamat sa The OPM Hitmen, kina Dulce at David Ezra. Sa lahat ng mga sponsors ng Backstagepass Productions at kina Tito Henry at Tita Lily Chua na “nanampal” nang “nanampal” ng aming mga kaibigan kilala man nila nang personal o hindi.

Ha! Ha! Ha! Ha!