Sexy actress nakipagbalikan sa tanders

Malulungkot ang kalalakihan kapag nalaman nilang may nagmamay-ari na sa puso at katawan ng isang promising sexy star (PSS).

Ang lakas kasi ng dating nitong si PSS at elya-elya sa kanya ngayon ang mga lalaki dahil sa angkin niyang ganda at alindog.

Ang sinasabi ni PSS sa mga interview ay wala siyang dyowa ngayon at niloko raw siya ng kanyang babaerong ex.

Ang totoo ay nagkabalikan pala si PSS at ang kanyang dakilang mangingibig (DM) na malayo ang agwat ng edad sa kanya.

Napagtanto ni PSS na mahal pa rin niya si DM at mukhang totoong pag-ibig nga ito dahil marami namang ibang lalaki diyan na mas bata at mas masarap, pero si DM pa rin ang binalikan ni PSS.

In fairness ay hindi raw pera ang dahilan ng pagpatol ni PSS kay DM na mahigit tatlong dekada ang tanda sa kanya dahil hindi naman niya ikinayaman nu’ng maging sila nito noon.

Lalo na ngayon na madatung si PSS dahil may natanggap siyang bonggang halaga mula sa isa niyang kapamilya, hindi isyu sa kanya ang salapi dahil marami siya nito.

Ibig sabihin ay maligaya talaga si PSS kay DM na kilala rin sa mundong ginagalawan ni PSS.

Kahit may edad na ay matipuno pa rin naman si DM at usap-usapan ‘yung pagiging dakila nito sa dilang dakila kaya raw siguradong ‘happy kiffy’ si PSS sa piling nito.

Si DM ay may mga ibang nakarelasyon nang maghiwalay sila ni PSS. Merong beauty queen at merong sexy babe din, pero sadyang iba ang sarap ng pagmamahalan nila ni PSS kaya hinahanap pa rin nila ang isa’t isa.

Touched si PSS dahil proud sa kanya si DM at handa siyang i-display nito sa publiko. Join naman si PSS kapag isinasama ito ni DM sa mga event na may kaugnayan sa trabaho nito.

Kaya maging ang mga kasamahan ni DM sa trabaho, pati na ang mga asawa ng mga ito ay alam na dyowa ulit ni DM ang kanasa-nasang si PSS.

Ang nagrereak ngayon ay ang ex-wife ni DM na kahit matagal na silang hiwalay ay may say pa rin sa buhay ni DM dahil meron silang anak.

Si ex-wifey ang nagsasabi kay DM na iwas-iwasan nitong i-display sa mundong ginagalawan nito si PSS dahil masagwa raw tingnan at pagtsitsismisan lang sila nito.

Ang chika sa amin ay unti-unti na raw naiinsekyur ng dating maybahay ni DM dahil madalas nang nakikitang dumadalo si PSS sa mga paganap doon sa trabaho ni DM.

Tarayy, debah? Wala ring takot si PSS kung i-display man siya ng kanyang older lover at mukhang feel na feel pa niya ito.

Malapit nang magkaroon ng launching project si PSS, so from being pansahog lang dati ay pambida na ang level niya.

Dapat siguro ay iwasan muna ni PSS na mapagkikita siya with DM at mas maging discreet siya sa relasyon nila.

Para na rin ito sa papabonggang career ni PSS at para mas tumaas pa ang market value niya, ‘no!

PAK!!

Wedding gown sponsor ni Vicki

Love na love ni Dra. Vicki ang AshMatt at siguradong ninang siya sa big wedding ng mga ito.

Malamang siya ang mag-sponsor ng wedding gown ni Sarah gaya ng ginawa niya noon sa kasal ni Regine Velasquez kay Ogie Alcasid.

Wala pa raw muna silang honeymoon, sabi ni Matty, dahil pareho pa silang busy na mag-asawa.

But obviously ay nasa honeymoon stage ngayon ang bagong kasal, na sobrang sweet nila at sobrang inlabey sila sa isa’t isa!
Sana all! PAK!!