Sexy actress pinindeho ang guwapong BF

Kaloka naman ang sexy actress na ito. Pinendeho niya ang guwapong boyfriend.

Marami nga ang nagtataka kung bakit nagawa pa niyang taehan sa ulo ang BF, samantalang guwapo naman ito, sikat at galing sa matinong pamilya.

Paano nangyari ‘yun? Nagpunta ang magkasintahan sa isang sikat na isla para mag-enjoy at mag-unwind. Siyempre, nag-inuman ang dalawa at may churvahan.

Pero ayon sa aming source, walang babarang naganap sa digmaan ng dalawa sa kama dahil agad lumabas ang sexy actress sa kanilang kuwarto. Nagpunta ito sa terrace.

Ang itsura raw ng aktres ay parang hindi kuntento sa pakikipag-sex sa boyfriend. Hindi siya nabitin, parang naghahanap lang siya ng iba. Hindi naman masabi ng aming source kung ano ang dahilan ng sexy actress na hindi siya kuntento sa pakikipag-sex sa BF. Walang bahid naman ang pagkalalaki nito.

Sa second floor, naka-check in ang magkarelasyon. Sa 3rd floor ay may isa ring aktor-modelo at kasama lang niya ang kanyang mga kaibigang lalaki.

Natiyempo rin naman na nasa terrace rin ang aktor-modelo at nagkita sila ng sexy actres, nagkausap at ayun, naganap ang dapat maganap.

Pinalabas muna ng aktor ang kanyang mga kaibigan, pinagpasyal at niyaya na ang sexy actress na umakyat. Tuloy-tuloy na pumasok ito sa kuwarto ng aktor. Tulog na tulog ang karelasyon ng sexy actress kaya hindi na niya namalayan ang paglabas at pakikipag-sex ng GF sa ibang lalaki.

Nagtagal ang nakaw na sandaling ‘yun dahil madaling-araw na nang bumalik ang babae sa kuwarto nila ng boyfriend. Kinabukasan, parang walang nangyari dahil nagkita-kita sila sa isang bar. Puro ngiti na lang ang pinakawalan nila sa isa’t isa.

Hindi na rin nagtagal ang kanilang relasyon. Naghiwalay na rin ang sexy actress at guwapong boyfriend. Ang babae ang nakipaghiwalay. (Boy Romero)