Marami ang namamangha sa taglay na kaseksihan ng model-actress na si Ivana Alawi. Kapatid niya ang child-actress na si Mona Louise Rey.
Talagang irresistable ang kanyang charm. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatitig sa malulusog niyang dibdib at malaking balakang?
Kamakailan nga ay na-intriga siya na gawa umano ang kanyang puwitan at balakang. Nilinaw naman niya ang isyu nang makapanayam siya sa Tonight With Boy Abunda.
Kuwento niya, madalas umano siyang nabu-bully dati dahil sa malaking puwetan niya. Kaya itinanggi ni Ivana na sumailalim siya sa operasyon.
Kaya ang kaseksihan ni Ivana ay likas na natural. Pinagpapantasyahan tuloy siya ng kalalakihan at pinagpipiyestahan ang mga seksing larawan sa kanyang Instagram.
Sa sobrang kapahangasan ng kanyang beauty ay mapapa-tulfo na lamang ang mga misis dahil sa mga mister nilang naglalaway sa kanya.
Kamakailan ay trending ang komento ng isang netizen na kung saan ay nais na niyang lumapit kay Tulfo. Ang laman lang naman kasi ng gallery ng kanyang asawa ay puro larawan ni Ivana.
Komento ni Aldra Rey Estacio, “Marami kna koleksiyon sa cp ng asawa ko puro nlng picture mu laman ng gallery. Kya minsan naisip kuna din magpatulfo eh.” (Rona Ronda)