Sexy star feeling sikat tinataguan ang mga fan

Hulaan Blues

Turn off ang ating amuyong sa unang ‘hinahangaan’ nitong sexy star at inaasam na makadaupang pa­lad makaraang matuklasan na ito ay may pagka-suplada.

Sa sumbong ng ating amuyong, eto raw si sexy star ay tumatakbo palagi sa kanyang tent sa tuwing pupuntahan ng kanyang mga fan na nais magpa-picture sa kanya.

Naalibadbaran daw kasi itong ating bida sa pagdumog sa kanya ng mga nagnanais na makipag-selfie sa kanya.

Sambit tuloy ng ating amuyong “hindi pa man gaanong sikat e malaki na ang ulo nya. Eh katawan lang naman nya ang pinagnanasaan ng marami.”

Ilang beses na ring nababalita ang sexy star na mayroon umanong ‘benefactor’ o DOM (Dirty Old Man) kaya’t nagagawa ang bawat kapritso sa kanyang katawan.

Ang ating bida na pinagpapantasyahan pa naman ng mga lalaki ay may K sa kanyang pangalan as in Kunwari lang makamasa.