Sey mo Derek? Andrea mas disente kina Angelica, Solenn , Cristine

NI: ARCHIE LIAO

Sa isang online quarantine chika show, may mga pasabog na pinakawalan ang hunk actor na si Derek Ramsay.

Sey niya, kahit borta, torpe raw talaga siya by nature.

Pinursue raw niya si Andrea Torres dahil na-inlab daw siya rito.

Katunayan, kahit ang kanyang mom na pihikan ang panlasa ay na-impress daw sa sexy Kapuso actress .Para sa kanya ay isang disenteng babae ito.

Iniintriga tuloy si Andrea sa mga ex ni Derek. Mas disente raw ba ang aktres kompara kina Angelica Panganiban, Solenn Heussaff at Cristine Reyes?

Samantala,mahigit na isang buwan na hindi nagkikita ang magdyowa pero naiintindihan daw naman nila ang sitwasyon na physical distancing.

Hindi rin daw naman tuluyang naputol ang kanilang komunikasyon dahil nag-uusap naman daw sila via videocall.

Inamin din niya na si Andrea na ang da one para sa kanya na gusto niyang pakasalan at makapiling habang buhay.

Sa question and answer,naibahagi rin ni Derek na may isang fan noon na sobrang na-obsess sa kanya na sinusundan daw siya sa taping pero sa tulong daw ng isang network ay naagapan ito.

Aminado rin siyang may mga beki at kababaihang nagpaparamdam sa kanya pero na-outgrow na raw niya ito dahil natuto na siya kung paano haharapin ang mga ganoong situwasyon.