May koneksyon ang mega shabu laboratory sa Arayat sa Pampanga sa drug lords sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ito ang pagkumpirma­ ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.

“This structure is connected sa Bilibid network. Ang operators — the drug lords are there inside. And somehow, nakakuha pa rin ng mga cellphone kung wala diyan sa Bilibid ‘yung nasa detention nahuli pending trial nila just like sa Parañaque na sumabog lahat namatay silang lahat ang nabuhay ‘yung nagtapon,” wika ng Pangulo.

Sa laki ng laboratoryo, ibinunyag pa ng chief exe­cutive na maaari umanong makapag-manufacture ito ng hanggang 400 na kilo ng shabu sa araw-araw.

Gagawing rehab

Ang ekta-ektaryang lupain na kinatitirikan ng nabanggit na shabu lab ay maaaring mapakinabangan ng gobyerno dahil gagawin itong rehabilitation center­ ng mga adik sa bansa,­ matapos iutos ng Pangulo ang pag-sequester dito.

Personal na ininspeksyon ni Duterte ang hinihinalang shabu laboratory kasama si Philippine­ National Police Chief ­Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Ayon sa Pangulo, naka­handa ang gobyerno na gastusan ang lugar para maging rehab center.

“This used to be a land owned by somebody then subsequently sold eventually to a certain Mr. (Sunday) Chua tumalon daw dito somewhere when the raiding party arrived or the security forces arrived. Now sabi ko na kung wala namang gawin I am ordering the sequestration of this property Chua could never get it back again.

3 Responses

  1. NAKALUSOT NA NAMAN YUNG DRUG LORD…KAILAN BA KAMI MAKAKA KITA NG BIGTIME ARREST MR PRESIDENT? PURO MGA DAGANG DING DING LANG PARATI ANG NADADALE NG OPLAN TOKHANG MO AH? MALAPIT NA MATAPOS ANG 6 MNTS MO NA TIMELINE…OK LANG MAG EXTEND KUNG ANG MAHUHULI NYO TALAGA AY TUNAY NA BIGTIME DRUGLORD AT NG MABAWASAN ANG DUDA NI DE LIMA AT NG INTERNATIONAL COMMUNITY SA NANGYAYARING RUB OUT..